Wednesday, August 31, 2011

WIKANG IPINAGLALABAN

Kayhirap ng ating mga nadanasan
Upang makalaya sa mga dayuhan 
Nang ating wika ay mapangalagaan
Buhay binuwis para sa inang bayan

Pagmamahal ni Jose Rizal sa wika
sa pagsusulat lamang naipakita
Bolo at itak ay hindi alintana
Dahil ito ay matibay pa sa sandata


Mga pinunong dapat natin ay tularan
Upang malayang wika ay maranasan
Kaya malayang wika pangalagaan
Nang sa susunod na henerasyon ay mapanginabangan